Navotas may âAutosweep RFIDâ registration
Ang lungsod katuwang ang San Miguel Corporation (SMC) ay tumatanggap ng 1,000 na kahit anong klase ng sasakyan para sa Autosweep RFID tagging.
Philstar.com/Irish Lising

Navotas may ‘Autosweep RFID’ registration

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang mata­gumpay na drive-thru Easytrip RFID installation, nagtakda naman ang Navotas City ng Autosweep RFID regis­tration bukas.

Ang lungsod katuwang ang San Miguel Corporation (SMC) ay tumatanggap ng 1,000 na kahit anong klase ng sasakyan para sa Autosweep RFID tagging.

Ayon kay Navotas City Mayor  Toby Tiang­co, ang event ay gaganapin sa Navotas Bus Terminal at ito ay first come, first served basis, sa Linggo o Nobyembre 29, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ang Autosweep RFID ay pumapayag sa cashless at contactless toll payments para sa mga motorista na dumaraan sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR), South Luzon Expressway (SLEX), Skyway System, NAIA Expressway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Kailangan lamang na mag-download at mag-fill out ang mga aplikante ng Autosweep Subscription Form, at ipasa pareho sa itinalagang mga personnel sa venue. Dapat din silang magbayad ng P200 para sa paunang initial load. Magsuot ng face mask at manatili sa loob ng kanilang sasakyan ang mga aplikante habang pinoproseso ang RFID installation, magdala ng tamang halaga para sa payment, at gumamit ng sariling panulat.

Pinaalalahanan ni Tiangco ang publiko na sarado ang southbound lane ng C4 at R10 mula sa Navotas Bus Terminal hanggang Old Fishport Road sa itinakdang petsa mula 8 a.m. hanggang 6 p.m.  Mananati namang bukas ang northbound lane at pansamantalang two-way.

RFID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with