Konstruksyon ng Skyway Extension, balik-operasyon na
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na base ito sa rekomendasyon ng kaniyang regional director sa Metro Manila na si Atty. Sarah Mirasol makaraang makatugon na umano ang main contractor at sub-contractor ng proyekto sa ‘occupational safety and health standards’ ng pamahalaan.
STAR/File

Konstruksyon ng Skyway Extension, balik-operasyon na

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik na muli ang konstruksyon ng Skyway Extension makaraang wakasan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kautusan sa pagpapatigil dito matapos ang aksidenteng naganap kamakailan sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na base ito sa rekomendasyon ng kaniyang regional director sa Metro Manila na si Atty. Sarah Mirasol makaraang makatugon na umano ang main contractor at sub-contractor ng proyekto sa ‘occupational safety and health standards’ ng pamahalaan.

“There was a mee­ting on Nov. 24 and it was revealed the non-compliance in the occupational safety and health standards. For example, in the area where the accident took place, there was no warning sign,” ayon kay Bello.

Kabilang sa desisyon ni Bello na tanggalin na ang inilabas na Supplemental Work Stoppage Order (SWSO) dahil sa target na matapos ang proyekto ngayong Dis­yembre ng kasalukuyang taon na kailangang mahabol.

“If you stop that, 900 workers will lose their jobs. So, I modified the order of our regional director and maintained the work stoppage order in the area where the accident took place,” paliwanag ni Bello.

Samantala, prinoproseso na ng San Miguel Corp. (SMC) at ng EEI Corp. ang claims ng pamilya ng mga biktima ng aksidente kabilang ang isang nasawi at apat na nasugatan nang mabagsakan ng steel bar.  Nabatid na aabot ng dalawang linggo bago maibigay ng buo ang claims ng mga biktima.

DOLE SKYWAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with