Elevated busway planong itayo sa EDSA
Sinabi ni MMDA Traffic Operations chief Edison Nebrija na tutukuyin ang mga lugar na lalagyan ng U-turn slots at doon itatayo ang elevated busway para hindi makaabala sa daloy ng mga bus ang mga sasakyang nais mag-U-turn.
Michael Varcas, file

Elevated busway planong itayo sa EDSA

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Plano ng pamahalaan na magtayo ng “elevated busway” sa ilang bahagi ng EDSA sa hinaharap upang mapaluwag ang trapiko na naging sobrang sikip ngayon dahil sa pagsasara ng mga U-turn slots sa mga pangunahing interseksyon.

Sinabi ni MMDA Traffic Operations chief Edison Nebrija na tutukuyin ang mga lugar na lalagyan ng U-turn slots at doon itatayo ang elevated busway para hindi makaabala sa daloy ng mga bus ang mga sasakyang nais mag-U-turn.

“Sa U-turn slot na ‘yun, gagawa tayo ng elevated busway. Sa ibabaw daraan ‘yung bus. ‘Yung ilalim gagamitin naman ng private vehicles to take that U-turn,” ayon kay Nebrija sa pana­yam ng Unang Hirit program sa GMA.

Ngunit para sa kasalukuyan, wala pa umanong magagawa kundi isara ang mga U-turn slots para bigyang daan ang tuluy-tuloy na biyahe ng mga bus sa itinalagang busway sa “innermost lane” ng EDSA.

Pinakamatinding pagbubuhol ng trapiko na nararanasan ngayon ang bahagi ng EDSA mula Ba­lintawak hanggang Quezon Avenue dahil sa pagsasara ng mga U-turn slots doon.

Inaasahan din na lalo pang lalala ang kundisyon ng trapiko sa mga darating na linggo ngunit umaasa si Nebrija na magiging maa­yos din ang sitwasyon kapag nakasanayan na ito ng mga motorista.

Kailangan umano na humanap ng alternatibong ruta sa labas ng EDSA ang mga motorista kung alam nila na sarado ang lilikuang U-turn slots.

Kasunod ng pagbigat na ng trapiko, sinabi ni Nebrija na hindi pa napag-uusapan kung kailan ibabalik ang number coding scheme. Hinihikayat pa umano ng pamahalaan ang tao na lumabas upang bumalik ang sigla ng ekonomiya.

BUS EDSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with