7 ‘wiper gang’ dinampot sa Maynila

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pitong menor-de-edad na mi­yembro ng ‘wiper gang’ ang dinampot ng mga tauhan ng Manila Police District sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga makaraan ang reklamo ng mga motorista na pangongotong ng mga ito sa kalsada.

Sa ulat, alas-9:30 ng umaga nang umpisahan ng mga tauhan ng Ermita Police Station ang pag-ikot sa mga kalsadang nasasakupan makaraan ang sumbong ng mga motorista na sapilitan silang hinihingian ng pera ng mga ‘wiper boys’ na biglang pupunasan ang bintana ng kanilang sasakyan. Kapag hindi nagbigay, ginuguhitan umano ng mga ito ang sasakyan.

Unang dinampot sa kanto ng Roxas Boulevard at Kalaw Avenue ang apat na may edad 17, 15, 8, at isang 10-taong gulang na nene. Sumunod na dinampot sa pareho ring lugar dakong alas-10:30 ng umaga ang tatlo pang kabataan na may edad 14, at dalawang 10 taong gulang na lalaki.

Dinala ang mga kabataan sa Alvarez Covered Court sa Sta. Cruz, Maynila na nasa ilalim ng pamamahala ng Manila Social Welfare and Development Office.

GANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with