Dagdag singil sa toll sa NLEX, simula na

Dagdag singil sa toll sa NLEX, simula na

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sisimulan nang ipatupad ngayong araw ng Miyerkules, ang toll rate adjustment o dagdag-singil sa toll fee sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon kay Julius Corpus, ng Toll Regulatory Board (TRB), ganap na alas-12:01 ng madaling araw sisimulan ang implementasyon ng toll rate adjustment.

Aniya, ang naturang adjustment para sa buong habang Ba­lintawak hanggang Sta. Ines ay nasa tatlong porsiyento lamang.

Nabatid na inaprubahan ng TRB ang P4.00 toll rate adjustment sa open system at P0.06 per kilometer naman sa closed system.

“Sa open system, para sa Class 1 ang dagdag singil lamang po P4.00, sa Class 2 mga bus, P10.00 lamang at Class 3, P11.00 lamang,” aniya pa.

Ipinaliwanag ni Corpus na ang naturang adjustment ay ipinatupad matapos na makumpleto at mabuksan ang Harbor Link project nitong nakaraang buwan ng Hunyo.

Ang naturang P7-bilyong NLEX Harbor Link project ay isang elevated section ng tollway sa pagitan ng bagong Caloocan Interchange sa C3 Road/5th Avenue at ng bagong Navotas Interchange sa R-10/Mel Lopez Boulevard.

“Ang pinaka-primary justification dito siguro mapapansin ng ating mga kababayan, tinapos na rin ng NLEX yung elevated section at 2.7 km from C3 Road up to R10 dito sa Navotas,” dagdag pa ni Corpus.

Aniya,  Hunyo 15 pa nang buksan ang naturang daanan ngunit ngayon lamang nagpatupad ng dag­dag-singil ang NLEX.

Kaugnay nito, muli namang nagpaalala si Corpus na ang mga motoristang wala pang RFID sticker at dadaan sa mga expressway ay hindi muna huhulihin hanggang Enero 12, 2021.

NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with