12-anyos patay sa sunog
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-9:30 ng umaga nang mag-umpisa ang apoy buhat sa loob ng bahay ng biktima. Agad na kumalat ang apoy sa buong kabahayan kung saan naitaas ang unang alarma dakong alas-9:44 ng umaga bago mapatay ng mga bumbero dakong alas-10:29 na ng umaga.
The STAR/ File

12-anyos patay sa sunog

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang sinasabing ‘special child’ makaraang makulong sa nasunog nilang bahay  sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Daryl De Jesus, 12-anyos ng  Diamante Street, Fabie Estate, Road 4, San Andres, Sta. Ana, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-9:30 ng umaga nang mag-umpisa ang apoy buhat sa loob ng bahay ng biktima. Agad na kumalat ang apoy sa buong kabahayan kung saan naitaas ang unang alarma dakong alas-9:44 ng umaga bago mapatay ng mga bumbero dakong alas-10:29 na ng umaga. Naipit naman sa loob ng kaniyang kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay ang bata na hindi na nagawang mailigtas dahil sa biglaang paglaki ng apoy.  Sa mopping operation, tumambad ang tupok na bangkay ng biktima na labis na ikinahinagpis ng kaniyang mga kaanak.

Biniberepika ng mga arson investigator ang impormasyon na isang bagong biling speaker ang nag-short circuit at siyang pinagmulan ng sunog.

BFP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with