Puneraryang nagpapa-âtomaâ binalaan ni Yorme
Inatasan ng alkalde sina Bureau of Permits Director Levi Facundo at Manila Police District Deputy District Director Col. Narciso Domingo na mag-ikot upang hulihin ang mga establisimentong hindi sumusunod sa Ordinance no. 5555 na nagsasaad ng pagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.
Edd Gumban

Puneraryang nagpapa-‘toma’ binalaan ni Yorme

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala si Manila City Mayor Isko Moreno sa mga may-ari ng punerarya na tatanggalan ng lisensya kung mapatutunayan na nagpapa-inom sila ng alak makaraan ang mga sumbong na umabot sa kaniyang tanggapan.

Inatasan ng alkalde sina Bureau of Permits Director Levi Facundo at Manila Police District Deputy District Director Col. Narciso Domingo na mag-ikot upang hulihin ang mga establisimentong hindi sumusunod sa Ordinance no. 5555 na nagsasaad ng pagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.

“Lahat ng punenaryang nagpapa-inom we will revoke their permit, that is a blatant violation of Ordinance No. 5555. Walang exception na kapag may patay, pwedeng uminom, walang exception na kapag may birthday, pwedeng uminom,” giit ni Moreno.

Partikular sa nasabing ordinansa ang mahigpit na pagbabawal sa Lungsod ng Maynila ang pag-iinuman sa mga establisyimento na hindi kabilang sa mga restaurant, panciteria, carinderia, hotel o bar, gayundin sa kalsada o eskinita.

Kasabay nito, binalaan niya ang mga namumuno ng 13 na istasyon sa lungsod sa ipatutupad na ‘one strike policy’ na kung mayroong lalabag sa naturang ordinansa sa kanilang nasasakupan ay agad silang sisibakin sa kanilang tanggapan.

“Kapag ako umikot ng madaling araw at ako mismo nakahuli at may violation — one-strike policy, tatanggalin natin ang Precinct Commander, PCP o Outpost Commander. You will be out of Manila, you have no business in Manila,” babala pa ng alkalde.

Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga residente sa patuloy na banta ng COVID-19 at sa mataas na posibilidad ng paglaganap nito tuwing mayroong pagsasalo o kasiyahan.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with