NCRPO nagpadala ng P.5 milyong bigas, relief packs sa Cagayan, Isabela

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tumulong din ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga sinalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan at Isabela sa pamamagitan ng pagpapadala ng bigas at relief packs sa Cagayan at Isabela na dumanas ng matinding pagbaha at landslide bunsod ng bagyong Ulysses at pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam.

Bago tumulak ka­makalawa ng gabi patungo sa dalawang lalawigan sa norte, nagdaos muna ng panalangin at briefing si NCRPO Chief, P/Brig. General Vicente Danao Jr. sa kaniyang mga tauhan na maghahatid ng ayuda para sa ligtas at mapayapang relief operation.

“Maglakbay kayo na bitbit ang aming pasasalamat at dasal sa maayos, ligtas o mapayapang relief operation sa ating pagtulong sa Cagayan,” ani Danao.

Nasa P500,000.00 halaga ng bigas, relief food packs ang ihahatid ng apat na 6x6 truck ng Team NCRPO at kasabay na rin ng dalawa pang 6x6 truck din na nagmula sa Camp Crame na lulan ng mga pulis na pamilyar sa naturang probinsya.

Pawang mga tubong Cagayan at Isabela ang sadyang pinili na ­ipadala ni Danao upang mas kabisado nila ang lugar at makatulong na rin sa kanilang mga kababayan.

Sa pagbabalik ng mga relief operation teams na aabot sa 50 NCRPO personnel, sila ay bibigyan ng isang linggong bakasyon para makapagpahinga.

Pinabaunan din ni Danao ng panggastos ang mga pulis na umabot sa P151,000 kabilang ang drayber ng anim na trucks (4-TEAM NCRPO at 2-Crame) at SWAT team.

Matatandaan na matindi ang sinapit ng Cagayan at Isa­bela sa pananalasa ng bagyo kaya’t minarapat ng bagong Regional Director ng NCRPO na magbigay ayuda sa nangangailangang mamamayan sa pro­binsya.

Ipinaaabot din ni Danao ang kanyang dalangin para sa kaligtasan at pagbangon ng ating mga kababayan na lubos na sinalanta ng bagyo sa Region ll.

“Pagdamutan na po ninyo ang munting ayuda na nakayanan ng Team NCRPO, Nawa ay makatulong po upang maibsan ng kaunti ang hirap at hinagpis na inyong nararamdaman” pahayag ni Danao.

NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with