_ngayon
^
Sementeryo siguruhing nakasara simula bukas- DILG
Nagpaalala rin si Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año sa publiko na ang pagsasara ng mga sementeryo sa bansa ay magsisimula sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4.
STAR/ File

Sementeryo siguruhing nakasara simula bukas- DILG

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Inatasan ni Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año ang lahat ng local government units (LGUs) at mga chiefs of police (COPs), na tiyaking lahat ng sementeryo sa bansa, pribado man o pampubliko, gayundin ang mga memorial parks, at mga kolumbaryo ay sarado sa panahon ng Undas.

Nagpaalala rin si Año sa publiko na ang pagsasara ng mga sementeryo sa bansa ay magsisimula sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4.

“September pa lang po nagbigay na ng kautusan ang Pangulo. We expect all LGUs to cooperate by ensu­ring that cemeteries within their localities are closed. Ito’y para walang mass gathering ngayong panahon ng pan­demya,” ayon pa kay Año, sa isang pahayag.

Kasabay nito, inatasan din ng kalihim ang lahat ng hepe ng pulisya sa buong bansa na tumulong sa pagtiyak na ang lahat ng sementeryo ay tumatalima sa quarantine protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.

Dapat aniyang mag-usap ang lahat ng local chief executives at mga local police commanders at bumuo ng mga panuntunan na ipatutupad nila sa kanilang lokalidad hinggil dito, na dapat ay alinsunod sa mga guidelines na itinatakda ng national government.

“The local police commanders and the mayors by now should have discussed the rules that would be implemented per locality but all these local rules that would be crafted should conform to the guidelines set by the IATF,” aniya.

Paalala pa ni Año, ang bilang ng mga bibisita sa mga sementeryo, memorial parks, at mga kolumbaryo ay dapat na limitado lamang sa 30% ng kapasidad ng mga ito.

Kailangan ding tiyakin na ang lahat ng papasok sa mga libingan ay nakasuot ng face masks at face shields, at tumatalima sa physical distancing rule. Mahigpit din naman ang kautusan ni Año hinggil sa pagtatayo ng mga police assistance desks.

COPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with