650K Christmas food packages inihahanda na sa Maynila
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaga pa lamang ay inihahanda na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang nasa 650,000 na food packages bilang Noche Buena ng mga pamilyang Manilenyo sa darating na Pasko.

Sinabi ni Moreno na inumpisahan na nila ang pagbili ng mga food packages para may mapagsaluhan naman lalo na ang mga mahihirap na Manilenyo sa darating na Pasko kahit taghirap dulot ng pandemya.

“We have started acquiring Christmas packs. Protect it, keep it safe. Hindi pa ito kumpleto pero tayo ay preparado na,” ayon kay Moreno sa lingguhang Management Committee Meeting ng lokal na pamahalaan.

Bukod dito, may handog din na karagdagang gift packs at limang kilo ng organic rice ang lokal na pamahalaan para sa bawat senior citizen.

“Lucky for you if you are a senior, very expensive and very nutritious ang rice para sa inyo. Ang good news, bibilhin natin sa Mindanao itong black rice o red rice,” paliwanag pa ng alkalde.

Una nang ipinakansela ng alkalde ang lahat ng Christmas party ng lokal na pamahalaan at sinabing ilalaan ang matitipid na pondo para sa pagkain ng nasasakupan.

 

CHRISTMAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with