^

Metro

COVID-19 positive sa Fabella, umakyat sa 11

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 positive sa Fabella, umakyat sa 11
Sa kabila ng pansamantalang pagpapatigil sa operasyon, tiniyak ng pamunuan ng pagamutan na tatanggapin pa rin nila ang mga emergency cases dahil sa may nakaantabay pa rin silang mga doktor.
Wikimedia Commons via JoRitchChT (Wikipedia Takes Manila participant)

MANILA, Philippines  — Patuloy pa ang pagdami ng natutuklasang positibo sa COVID-19 sa Jose Fabella Memorial Hospital na umakyat sa 11 kabilang ang tatlo pang doktor at isang medical records staff.

Sa kabila ng pansamantalang pagpapatigil sa operasyon, tiniyak ng pamunuan ng pagamutan na tatanggapin pa rin nila ang mga emergency cases dahil sa may nakaantabay pa rin silang mga doktor.

“Halimbawa, dumating ang pasyente at palabas na ang baby. Pagdating niya sa triage namin definitely may naka-stand by naman na doktor para paanakin sila doon,” ayon kay Dr. Diana Cajipe, information officer ng pagamutan.

Ngunit mahigpit ang bilin nila na humanap na lang muna ng ibang pagamutan lalo na sa mga manganganak na hindi naman ganoon ka-emergency.

Patuloy din ang mahigpit na ‘contact tracing’ sa mga nakasalamuha ng mga doktor at medical staff na nagpositibo.

Umaabot na sa 270 na swab test ang isinagawa kung saan 9 na doktor, isang nars at isang staff ang nadiskubreng positibo sa virus.

Hindi pa tiyak kung kailan magbubukas muli ang pagamutan na magdedepende pa umano sa mga resulta ng mga RT-PCR test na isasagawa sa mga susunod pang araw.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with