Kapasidad sa religious gatherings sa GCQ, itinaas na sa 30%
Una rito, 10% lamang ng capacity sa mga religious gatherings ang pinapayagan sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.
Michael Varcas/File
Kapasidad sa religious gatherings sa GCQ, itinaas na sa 30%
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

Rekomendasyon ng mm mayors aprub sa IATF

MANILA, Philippines — Itinaas na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Manage­ment of the Emerging Infectious Diseases sa 30% ang ka­pa­sidad ng maaaring pumasok sa mga simbahan at mosque sa ilalim ng ge-neral community qua-rantine.

Ayon kay Presiden­tial Spokesperson Harry Roque, ang pagpayag ng IATF ay base na rin sa naging rekomendasyon ng mga mayors sa Metro Manila.

Una rito, 10% lamang ng capacity sa mga religious gatherings ang pinapayagan sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.

Ayon pa kay Roque, nakita naman na sumusunod ang mga Filipino sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsuot ng face mask kaya bumababa ang bilang ng may COVID-19.

Pumayag na rin naman aniya ang mga Metro Mayors na paikliin ang oras ng curfew para na rin sa mga magsisimbang gabi.

“Pero at the same time eh talaga naman  pong nandiyan na rin iyong ka­­totohanan na ang mga Metro Manila Mayors po ay nag-agree na rin na ang curfew pagdating ng a-uno ng Disyembre ay gagawing 12 to 3 para tayo ho’y makapagsimbang gabi,” paliwanag ni Roque.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with