Lalaki, bumulusok mula sa Nagtahan Bridge, lasog
Inilarawan ni P/Staff Master Sergeant Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District Homicide Section ang biktima sa edad na 30-40, nasa 5’5-5’6 ang taas, medium built, nakasuot ng sweat shirt at kupas na maong na pantalon at itim na tsinelas.
STAR/ File
Lalaki, bumulusok mula sa Nagtahan Bridge, lasog
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Dead on the spot ang isang hindi pa kilalang lalaki nang mahulog mula sa Nagtahan Bridge, sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ni P/Staff Master Sergeant Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District Homicide Section  ang biktima sa edad na 30-40, nasa 5’5-5’6 ang taas, medium built, nakasuot ng sweat shirt at kupas na maong na pantalon at itim na tsinelas.

Nangyari ang pagbulusok ng biktima dakong alas -6:50 ng gabi kamakalawa sa norhbound ng Nagtahan Bridge, malapit sa panulukan ng R.M. Boulevard, sa Sta. Mesa.

Sa imbestigasyon, sinabi ng saksing si Ranilo Simbajon, 28, security guard, na habang  nagbibiskleta siya pauwi ng bahay nang magulat sa nakitang pagbagsak ng biktima sa kalsada.

Hindi naman nakarinig ng anumang komosyon ang ilang tagaroon sa lugar at hindi rin kilala sa lugar ang nasawi.

Nanawagan naman sa kaanak ang MPD-Homicde Section na kung tumutugma sa paglalarawan ang nawawalang kaanak ay makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

DEAD ON THE SPOT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with