Operasyon ng Pasig River ferry service, muling sinuspinde
Dahil sa water lily
MANILA, Philippines — Ipinatigil na naman kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS) dahil sa makapal na water lily.
Simula kahapon (Oktubre 14) ang suspensiyon ng mga biyahe dahil na rin sa sobrang dami ng mga nakaharang na water hyacinths sa waterway.
Para sa kaligtasan ng mga mananakay, babalik din kaagad sa normal ang operasyon ang PRFS kung magiging passable na ang Pasig River.
Tiniyak naman ng ahensiya na regular ang kanilang clean-up activities sa ilog gamit ang trash skimmer, trash boat at trash trap para makolekta ang mga water hyacints at mga lumulutang na basura.
Magugunitang noong Oktubre 8 lang nang mag-resume ang operasyon ng Pasig River Ferry sa short distance trips mula Pinagbuhatan sa Pasig City hanggang sa Sta. Ana, Maynila kasunod ng kanselasyon ng mga biyahe noong Okt. 3 dahil din sa water lily.
Matagal ding hindi nag-opereyt ang biyahe nito simula noong Marso 17, 2020 dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.
- Latest