^

Metro

2 unit ng hemodialysis ibinigay sa Muntinlupa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinurn-over kahapon ng mga opisyal ng Rotary Club of Taoyuan North District 3502-Taiwan at Rotary Club Muntinlupa North District 3830   sa Ospital ng Muntinlupa ang donasyon na dalawang unit ng hemodialysis para makatulong sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga mamamayan ng lungsod.

Ang turn-over ay isinagawa nina Rotary Club of Muntinlupa North Immediate Past President (IPP) Avelet Bautista at Perfect Vision President (PVP) Catherine S. Lopez at presensiya nina Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi at direktor ng Ospital ng Muntinlupa na si Dr. Edwin Dimatatac.

Nagpasalamat si Fresnedi sa napapanahong donas­yon ng Rotary dahil nadagdagan nito ang mga serbisyong pangkalusugan ng lungsod sa gitna ng pandemya.

 Sumali rin sa seremonya ay sina Rotary Club of Muntinlupa North PVP Chito Ruiz, KC Costiniano, Ms. Rose Morada at PE Meo Quintana.

MUNTINLUPA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with