Beep cards, ilibre na lang sa commuters-DOTr
Kaugnay nito, inatasan na ni Tugade ang mga opisyal ng DOTr rail and road sector na tiya­king ibibigay na lamang ng AF Payments Inc., ng libre sa mga commu­ters ang beep cards, sa sandaling bibili sila ng load para sa kanilang pamasahe.
Boy Santos, file
Beep cards, ilibre na lang sa commuters-DOTr
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasunod nang pagsisimula kahapon ng implementasyon ng ‘no beep card, no ride’ policy sa mga pampublikong bus, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na nais niyang maibigay na lamang ng libre ang mga reloadable stored value ‘beep cards’ sa mga commuters.

Kaugnay nito, inatasan na ni Tugade ang mga opisyal ng DOTr rail and road sector na tiya­king ibibigay na lamang ng AF Payments Inc., ng libre sa mga commu­ters ang beep cards, sa sandaling bibili sila ng load para sa kanilang pamasahe.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tugade na hanggang sa ngayon ay dama pa ng mga commuters ang epekto ng pandemic kaya’t dagdag pahirap aniya sa mga ito ang ka­ragdagan pang P30 hanggang P50 na kailangan nitong ilabas para sa presyo ng beep cards.

Nabatid na nitong Setyembre 30 ay tinalakay na rin ng mga opisyal ng DOTr, sa pangunguna ni Tugade, ang isyu hinggil sa halaga ng beep card, na ipinapasa sa mga commuters, bukod pa sa pamasahe o stored value sa card.

Dapat rin umanong mayroong opsyon ang commuters hinggil sa halagang nais nilang i-load sa beep card.

Matatandaang ka­makailan ay ipinag-utos na ng DOTr ang pagpapatupad ng cashless automatic fare collection scheme sa mga public utility buses (PUBs) na bumibiyahe sa EDSA Busway route simula nitong Oktubre 1, na gagamit ng beep card, na balido sa loob ng apat na taon.

Layunin nitong maiwasan ang close contact sa pagitan ng mga pasahero at ng mga bus dri­vers dahil sa nananatiling banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with