Hirit na taas pasahe sa provincial bus, sinopla ng LTFRB
Inihahanda na ang bus terminal sa Araneta sa Cubao Quezon City para sa ipapatupad na health protocols sa nakatakdang pagbabalik pasada ng mga provincial bus na may ruta sa Metro Manila simula bukas (Sept. 30).
Kuha ni Michael Varcas
Hirit na taas pasahe sa provincial bus, sinopla ng LTFRB
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang magaganap na pagtataas sa pasahe sa mga provincial bus sa pagbabalik operasyon nito papasok ng Metro Manila .

Ito ang tiniyak ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) kahit may mga panawagan na maitaas ang pasahe sa mga provincial buses dahil sa laki ng gastos sa kabila ng kakaunting bilang ng mga pasahero.

Ayon kay LTFRB Technical Division head Joel Bolano, walang pagbabago at mananatili ang pasahe sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) 2020-051 .

Nakasaad dito na mananatiling  P9.00 ang pasahe sa unang limang kilometro at dagdag na P1. 55 sa mga susunod na kilometro sa  ordinary bus.

Mananatili naman sa  P1.75 kada kilometro  ang pasahe habang P1.85 naman sa deluxe; P1.95 sa super deluxe at P2.40 sa luxury bus na pawang airconditioned bus.

Simula September 30 ay balik na ulit sa operasyon ang mga provincial bus pero kailangang sundin ng mga ito ang health protocols tulad ng pag- body temperature bago magsakay ng pasahero, pagsusuot ng face mask at face shield at 1 metrong layo ng mga pasahero sa loob ng sasakyan at 50 percent lamang ang sakay na mga pasahero.

LTFRB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with