Killer ng pulis at kagawad, nalambat
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nalambat kamakalawa ng mga awtoridad ang isang lalaking itinuturong suspek sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa isang retiradong pulis at isang barangay kagawad sa Quezon City, ilang taon na ang nakakalipas.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen. Ronnie Montejo ang naarestong suspek na si Marlon Serabia, 44, residente ng Brgy. Sta Cruz, Agusan Del Sur.

Batay sa ulat ng QCPD, nabatid na si Serabia ay naaresto at itinurn-over ng Rosario Municipal Station, Agusan Del Sur sa Fairview Police Station (PS 5) na pinamumunuan ni Lt. Col. Melchor Rosales.

Siya ang itinuturong suspek sa pamamaril at pagpatay kina SPO1 Jerson Leonardo, isang retired policeman sa Quezon City noong 2013 at Brgy. Kagawad Jerzon Dazo, ng Brgy. Greater Fairview noong 2017.

Nagtago ang suspek sa Agusan Del Sur matapos ang pagpatay ngunit naaresto rin ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest para sa two counts ng kasong murder na inisyu ni  Hon. Judge Evangeline Crisologo Castillo-Marigomen, ng QC Regional Trial Court (RTC) Branch 101.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Ayon kay  Montejo, si Serabia ang siyang leader ng ‘Serabia Criminal Gang’ na nag-o-operate sa Quezon City.

Kilala aniya ang grupo sa pagkakasangkot sa mga aktibidad na may kinalaman sa ‘gun for hire’, illegal drugs at extortion.

Sinabi naman ni Rosales na ipinagyayabang pa umano ng suspek ang kanyang pagkakasangkot sa dalawang pagpatay kapag nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with