3 miyembro ng pamilya sakay ng motorsiklo, nabundol ng trak
Nakabulagta sa kalye ang mag-asawang lulan ng motorsiklo na nasalpok ng isang trailer truck sa kanto ng San Marcelino St. at UN Ave. sa Maynila habang isang nagmagandang loob na babae ang agad lumapit sa kanilang 3-anyos na anak para tulungan.
Jesse Bustos

3 miyembro ng pamilya sakay ng motorsiklo, nabundol ng trak

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sugatan ang tatlong miyembro ng isang pamilya kabilang ang isang tatlong taong gulang na babae makaraang mabundol sila ng isang trak habang sakay sila ng isang motorsiklo, kahapon ng madaling araw sa Ermita, Maynila.

Isinugod sa Manila Medical Hospital ang mga biktimang sina Gary Llaneta at Shenalyn Barcelon, kapwa nasa hustong gulang at anak na si Zayne Grey Barcelon, pawang mga nakatira sa No. 2190 Leveriza Street, Pasay City.

Nadakip naman ng mga awtoridad ang suspek na inisyal na nakilalang si Ryl Gayon, nasa hustong gulang at tsuper ng Hyunday trailer truck (TCI 544).

Sa ulat ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit, minamaneho ni Llaneta ang kaniyang Suzuki motorcycle at angkas ang mag-inang Barcelon dakong alas-12:50 ng madaling araw nang mabundol sila ng trak na minamaneho ni Gayon pagsapit sa kanto ng United Nations Avenue at San Marcelino Street, Ermita.

Agad namang nasaklolohan ang sugatang pamilya na ino­obserbahan ngayon sa naturang pagamutan habang nahaharap sa kasong Multiple Physical Injuries through Reckless Imprudence ang tsuper na si Gayon.

MOTORSIKLO TRUCK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with