P8.8 milyong talent fee ni Yorme, ibinili ng tablets para sa mga estudyante
MANILA, Philippines — Muling ginugol ni Manila City Mayor Isko Moreno ang kaniyang mga kinita na talent fee buhat sa pagmomodelo sa pagbili ng mga tablets na ipamimigay sa mga pinakamahihirap na mag-aaral ng Unibersidad de Manila.
Nabatid na aabot sa P8.8 milyon buhat na kini-ta sa kaniyang pagmo-modelo ang ginamit na pambili sa 1,010 piraso ng Samsung Galaxy Tablets.
“Alam ko ang hirap na dinaranas ng mga mag-aaral, lalo na mga mahihirap na nasa public schools. Kaya’t inihahandog po namin ito ni Vice Mayor Honey Lacuna sa mga poorest of the poor na mag-aaral ng UdM,” ayon kay Moreno.
Responsibilidad naman ni Malou Tiquia, pangulo ng Universidad de Manila, na tukuyin kung sino sa mga mag-aaral ng pamantasan ang pinakamahihirap at karapat-dapat na mabigyan ng naturang gadget para sa kanilang pag-aaral.
- Latest