Metro Manila âdi pa handa sa MGCQ
Unti-unti nang dinadagsa ng mga mamimili ang Divisoria sa Maynila dahil na rin sa nalalapit na Kapaskuhan.
Edd Gumban
Metro Manila ‘di pa handa sa MGCQ
Angie dela Cruz, Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2020 - 12:00am

Ayon sa health experts

MANILA, Philippines — Pinagdadahan-dahan ng ilang grupo ng health experts ang pamahalaan sa pagbababa sa lebel ng qua­rantine sa Metro Manila dahil sa maaaring mas malaking panganib na idudulot nito sa kalusugan ng taumbayan.

Sinabi ni Dr. Antonio Dans, convenor ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19, na hindi sapat na dahilan ang pagbuhay sa ekonomiya para ibaba sa ‘modified gene­ral community quarantine (MGCQ)’ ang Kamaynilaan.

“Tingin namin hindi sapat na dahilan ‘yung hindi na kaya ng ekonomiya kasi ‘pag ‘yun ang dahilan ay para na tayong sumuko. Ika nga, aanhin ang kabuhayan kung wala na ang buhay,” ayon kay Dans.

Ito ang tugon ng grupo sa suhestiyon ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na ilagay na sa MGCQ ang Metro Manila sa katapusan ng Setyembre 30 para mabuksan ang ilan pang mga negosyo at mapalakas na muli ang ekonomiya ng bansa.

Ang grupong Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDC-PH) na pinamumunuan ni da­ting Health Secretary Jaime Galvez-Tan na nagsulong naman na tanggalin na rin ang mga ‘quarantine’ sa bansa dahil sa tinatawag nilang ‘exaggeration’ sa takot sa COVID-19 at magpatupad na lamang ng mas epektibong healthcare system sa mga komunidad.

Ngunit sinabi ni Dr. ­Rontgene Solante, head ng adult infection disease ng San Lazaro Hospital, na maaari lamang paluwagin ang quarantine kung may malaki nang pagbaba sa kaso ng COVID-19.  Iginiit niya na hindi ‘exaggeration’ o labis ang reaksyon ng pamahalaan dahil sa marami na ang namatay at patuloy ang bilang ng mga nasa ‘severe’ at ‘critical cases’.

“People are dying, suffering and you will say there’s an exaggeration of CO­VID-19. I’m glad to take them and tour them to our hospital and see these severe, critical people who are suffering with CO­VID-19,” ayon kay Solante.

Nitong Martes, umaabot na sa 5,049 ang pas­yenteng namatay dahil sa COVID-19 at patuloy pang tumataas.

MGCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with