^

Metro

451 COVID-19 cases naitala ng BuCor

Pilipino Star Ngayon
451 COVID-19 cases naitala ng BuCor
Sa ulat ng BuCor na inilabas kahapon, nasa 292 inmates na ang dinapuan ng virus habang 159 naman sa kanilang mga tauhan ang nahawa nito.
The STAR/Boy Santos

Kabilang ang mga preso at personnel

MANILA, Philippines — Umabot na sa 451 kaso ng COVID-19 ang naitala ng Bureau of Corrections (BuCor) sa kanilang mga inmates na nakaditine sa iba’t- ibang kulungang kanilang hawak kasama maging ang kanilang mga tauhan.

Sa ulat ng BuCor na inilabas kahapon, nasa 292 inmates na ang dinapuan ng virus habang 159 naman sa kanilang mga tauhan ang nahawa nito.

Sa naturang bilang, nasa 26 na bilanggo na ang nasawi sa sakit.

Kasalukuyang nasa 30 na lamang umano ang aktibong kaso sa BuCor sa mga inmates at mga tauhan sa buong bansa.

Sa New Bilibid Pri­sons (NBP), nasa 192 ang nagpositibo kung saan 23 ang nasawi habang may 168 naman sa kanila ang nakarekober. May 52 rin sa kanilang mga tauhan ang nahawa kung saan isa na lamang ang aktibong kaso sa mga ito.

Sa Correctional ­Institution for Women sa Mandaluyong, nagkaroon ng 100 positibong kaso, tatlo ang nasawi at 83 ang gumaling.  Gumaling na rin umano ang lahat ng 18 tauhan nila na nahawa ng virus.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with