^

Metro

MRT-3, nakapagpabiyahe ng 22 trains!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Panibagong record high!

MANILA, Philippines — Panibagong record high ang naitala ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), matapos na sa kauna-unahang pagkakataon ay magawa nilang makapagpabiyahe ng hanggang 22 train sets sa kanilang linya simula nitong Setyembre 21, 2020, Lunes.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, nagawa ng MRT-3 na makapag-deploy ng 22 train sets bilang resulta ng mas maayos na maintenance ng kanilang mga light rail vehicles (LRVs) at mga bagong riles na inilagay sa kanilang mainline.

Aniya , prayoridad ng Department of Transportation (DOTr) na maparami pa ang tumatakbong train sets upang makapagbigay ng mas maayos na serbisyo sa mga pasahero at mas marami pang pasahero ang kanilang maisakay.

Nabatid na kabilang sa naging operational sa linya ng MRT-3 ang 19 CKD train sets at tatlong Dalian train sets.

Noong Setyembre 16, iniulat ng MRT-3 na nagawa nilang makapagpabiyahe ng 21 tren, na mas marami kumpara sa average na 15 tren lamang na napapabiyahe nila sa mga nakalipas na araw.

Samantala, iniulat din naman ng MRT-3 na sa nakalipas na tatlong buwan o simula nang bumalik ang public transportation noong Hunyo 1 ay wala pang naitalang unloading incident ang MRT-3.

Tiniyak din naman ng MRT-3 na patuloy din ang istriktong pagpapatupad ng health and safety protocols sa loob ng tren tulad ng pagsunod sa isang metrong physical distancing, pagsusuot ng face shield at face mask, hindi pagkain, pagsasalita at pagsagot ng tawag sa cellphone.

vuukle comment

MRT-3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with