DOH nabahala sa pagdagsa ng tao sa Manila Bay
Ayon kay Vergeire, ang nangyari sa Manila Bay nitong Sabado at Linggo ay inaasahang tatalakayin at hintayin na lamang kung may ilalabas na desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF).
Edd Gumban/File
DOH nabahala sa pagdagsa ng tao sa Manila Bay
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Ito ay isang nakakabahalang sitwasyon.”

Ganito ang  naging reaksiyon kahapon ni Health Undersecretary at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire kaugnay sa nabalewalang physical distancing sa pagbubukas sa publiko ng  ‘white sand sa Manila Bay’ nitong Sabado at Linggo.

Sa virtual press brie­fing, sinabi ni Vergeire na nakakabahala ang nangyari lalo’t alam ng lahat na hindi pa nawawala ang coronavirus disease 2019 (COVID-19)  sa bansa.

 Kahit maganda ang nasabing proyekto, hindi umano dapat ipagwalang-bahala ang ipinatutupad na minimum health standards.

 Ayon kay Vergeire, ang nangyari sa Manila Bay nitong Sabado at Linggo ay inaasahang tatalakayin at hintayin na lamang kung may ilalabas na desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF).

 Ikinalugod naman ni Vergeire ang naging mabilis na pag-aksyon ng Philippine National Police (PNP)  at ng lokal na pamahalaan ng Maynila matapos ang mga ulat ng pagdagsa ng mga tao sa Roxas Boulevard.

 Nabatid na nasibak ang station commander ng Manila Police District-Station 5 (Ermita)  nakasasakop  sa bahagi ng Manila Bay na binuksan sa publiko dahil sa kabiguang kontrolin ang mga tao sa pila at pagpasok doon kaya hindi nasunod ang social distancing.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with