12 patay sa CoViD-19 sa Caloocan, Malabon
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nadagdagan pa ng 10 ang bilang ng mga namatay sa Caloocan dahil sa corona virus disease habang dalawa naman sa Malabon.

Ayon sa Caloocan Health Department, umakyat na sa  225 ang namamatay dahil sa pan­demya mula sa 215 noong Setyembre 17.

Bukod dito, pumalo na sa 7,687 ang tinamaan ng nasabing nakamamatay na sakit mula sa 7,367 dalawang araw ang nakararaan, at mula naman sa 6,412 ay 6,734 na ang gumaling.

Sa kabilang dako, dalawa ang binawian ng buhay mula sa Barangay Hulong Duhat at Longos sa Malabon City kaya’t 180 na ang COVID casualties sa siyudad.

Maliban dito,  napag-alaman sa Health Department ng lungsod na  17 ang na­dagdag na confirmed cases kamakalawa at sa kabuuan ay 4,780 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa Malabon, 417 dito ang active cases.

Nabawasan naman ng isa ang mga kumpirmadong kaso sa mga pas­yenteng naka-confine sa Malabon ngunit hindi residente dahil  inilipat ito sa ibang lungsod.

Umabot naman ng 40 ang bilang ng mga guma­ling at sa kabuuan ay 4,183 ang recovered patients sa Malabon.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with