Record high na 21 train sets, naitala ng MRT-3
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, dahil sa marami silang tren na napabiyahe sa kanilang linya ay napaikli rin nila ang ‘waiting time interval’ o tagal nang paghihintay sa tren ng mga pasahero, at mas tumaas pa ang kanilang passenger capacity.
STAR/ File
Record high na 21 train sets, naitala ng MRT-3
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa unang pagkakataon sa loob ng 20-taon, nakapag-deploy na rin ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng record high na 21 train sets sa kanilang mainline, na pinakamataas na bilang ng running trains na napabiyahe nito sa isang araw.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, dahil sa marami silang tren na napabiyahe sa kanilang linya ay napaikli rin nila ang ‘waiting time interval’ o tagal nang paghihintay sa tren ng mga pasahero, at mas tumaas pa ang kanilang passenger capacity.

Sinabi ni MRT-3 Director for Operations Michael  Capati, ang naturang kaganapan ay produkto ng koloborasyon sa pagitan ng MRT-3 at ng Department of Transportation (DOTr).

“This is a product of DOTr and MRT-3’s colla­boration to improve the rail line’s service for the ri­ding public. We want to keep our commitment to provide our passengers with the best service they can experience. As Secretary Tugade always says, we owe it to our passengers,” ani Capati.

Nabatid na sa loob lamang ng dalawang araw, nalampasan ng MRT-3 ang bumibiyahe at operational nilang 20 train sets na naitala noong Setyembre 14.

Karaniwan nang nakapagpabiyahe lamang ang MRT-3 sa mainline ng average na hanggang 15 train sets sa isang araw.

Iniulat din naman ng MRT-3 na hindi sila nakapagtala ng anumang unloading incident o mga aberya sa nakalipas na tatlong buwan, o simula nang magbalik ang biyahe ng mga pampublikong transportasyon noong Hunyo 1, sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ), at habang nasa limited capacity lamang sila.

Ang pinakahuling unloading incident umano na naitala ng MRT-3 ay naganap noon pang Marso 8, 2020, o bago ang pagpapatupad ng community quarantines sa Metro Manila dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Matatandaang isinasailalim ngayon sa massive rehabilitation at maintenance works ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy na mula sa Japan ang MRT-3.

Kasama na rito ang pag-overhaul sa mga light rail vehicles (LRVs) at pagsasagawa ng rail replacement works sa buong linya ng MRT-3.

Inaasahan namang matatapos ang naturang rehabilitation project pagsapit ng Hulyo 2021.

Samantala, tiniyak din naman ng MRT-3 na ngayong nananatili ang banta ng COVID-19 sa bansa ay mahigpit pa rin nilang ipinatutupad ang mga health and safety protocols na ipinaiiral ng pamahalaan, sa loob ng mga tren, gaya nang pag-obserba sa akmang physical distancing, pagsusuot ng face shield at face mask, pagbabawal sa pagkain at pagsasalita sa loob ng mga tren at maging pagsagot sa anumang tawag sa anumang uri ng digital device.

Ang MRT-3 na bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), mula North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City at vice versa.

MRT-3
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with