Buntis nabagsakan ng steel bar sa construction site
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - August 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 20-anyos na buntis ang nabagsakan ng isang steel bar mula sa rooftop ng Jose Ele­mentary School  sa Commandante Garcia St., Park Avenue, Pasay City, kamakala­wa ng hapon.

Ginagamot sa Phi-lippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Angela Iman Crirence, 8-buwang buntis at residente ng No. 225 Commandante Garcia  Street,  Park Avenue, Pasay City.

Arestado naman ang sinasabing res­ponsable sa pagkalaglag ng steel bar na si Hermes Gacer y Del Castillo , 22, construction worker, ng Saint Timothy Construction Company at stay-in sa barracks ng Jose Rizal Elementary School sa reklamong Reckless Imprudence resulting in Serious Physical Injury.

Sa ulat nina P/Corporal John vernal Barazza at P/Corporal Alfred Pangilinan, dakong ala 1:00 ng hapon ng Sabado (Agosto 29) nang maganap ang insidente sa tapat ng construction site ng nasabing paaralan.

Sa imbestigasyon, habang nakaupo ang biktima sa electric bike ay bumagsak sa kaniyang balikat ang steel bar dahilan upang isugod siya sa pagamutan.

Nabatid na habang hinihinang ng suspek sa rooftop ang steel bar na may sukat na 10 mm ang kapal at 6 na metro ang haba ay dumulas ito sa kaniyang kamay at bumulusok pababa sanhi upang mabagsakan ang nasa ibaba.

ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with