10 dinakma sa Tupada

Sa ulat kay Makati City Police Station chief, P/Colonel oscar Jacildo, dakong ala-1:30 ng hapon nong Linggo nang maaktuhan sa tupada ang mga suspek sa Batangas St., Creek Side, Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dedma pa rin sa banta ng COVID-19 virus ang mga sabungero sa gitna ng umiiral na physical distancing makaraang sampu na naman ang maarestong kalalakihan sa ilegal na sabong  sa Makati City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat kay  Makati City Police Station chief, P/Colonel oscar Jacildo, dakong ala-1:30 ng hapon nong Linggo nang maaktuhan sa tupada ang mga suspek sa Batangas St., Creek Side, Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.

Nabatid na inireport mismo ng punong barangay sa lugar ang nagaganap na tupada malapit sa estero sa Mayor St. panulukan ng Tripa De Galina.

Kamakalawa, 12 kalalakihan ang nahuli rin sa tupada sa Muntinlupa at Taguig City.

 

Show comments