Galvez, ang ‘Big Brother’ ng Parañaque sa COVID-19 action plan
MANILA, Philippines — Malugod na tinanggap ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang pagtatalaga kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez, Jr. para mag-supervise sa implementasyon ng national action plan sa lungsod sa paglaban sa pandemya.
“We welcome Sec. Galvez as our “big brother” in the fight against the pandemic,” ani Olivarez sa pagsasabi ring transparent naman ang lungsod sa pag-uulat ng COVID cases sa nakalipas na limang buwan.
Naniniwala si Olivarez na ang ugnayan sa national government ay mas mapapadali kung may partikular na Secretary na namumuno sa Parañaque.
Alinsunod ito sa Resolution No. 62 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Itinalaga sa partikular na lugar ang isang gabinete dahil una ay doon siya nakatira at makapagbibigay din ng opisyal na suporta mula sa national government.
- Latest