^

Metro

Sindikato sa ‘face shield’, ibinabala

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sindikato sa �face shield�, ibinabala
Modus aniya ng scammers na magpapanggap sa social media na nais bumili ng milyun-milyong halaga ng face shields habang mayroon din itong kasamahan na magpapaskil din na nagbebenta naman ng murang face shields.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Binalaan ng San Juan City Police ang publiko laban sa face shield scam, na sinasabing pakana ng isang malaking sindikato’ at nambibiktima at nagsasamantala sa nga­yon, matapos na gawing mandatory ng pamahalaan ang pagsusuot ng face shield sa public transportation simula sa Agosto 15.

Nabatid na nabun­yag ang modus ope­randi ng naturang sindikato nang magtipun-tipon sa Ortigas Avenue ang mga nabiktima nito noong Agosto 8, na nagdulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa naturang lugar.

Ayon kay San Juan City Police chief, P/COL Jaime Santos, nagtaka sila kung bakit maraming tao sa lugar gayung umiiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ) kaya’t pinapuntahan ito sa kanyang mga tauhan.

Dito umano nila nabatid na nagtungo pala ang mga biktima sa naturang lugar para sa transaksyon nila sa pagbili ng face shields.

“Ang dahilan daw kaya sila nando’n ay dahil meron silang ka-deal sa face shield. Ito nga po ‘yung scam ng face shield. It turned out na sila pala ay nakipag-deal ng milyon milyon na hindi natuloy,” ani Santos.

Nagpahayag naman ng paniniwala si Santos na isang malaking sindikato ang nasa likod ng scam na nagsimula aniya sa ‘online.’

Modus aniya ng scammers na magpapanggap sa social media na nais bumili ng milyun-milyong halaga ng face shields habang mayroon din itong kasamahan na magpapaskil din na nagbebenta naman ng murang face shields.

Ang mga biktima naman umano, na magsisilbi lamang na middleman, ay maghahanap ng supplier upang maibigay ang demand ng kunwaring buyer.

Magbibigay umano ang buyer ng downpayment sa biktima, na ibibigay naman ng biktima sa supplier. Gayunman, sa araw ng delivery ng face masks, ay hindi sisipot ang supplier sa meeting place.

Dito na magkukunwaring magagalit ang buyer at babawiin ang perang ibinigay niya sa biktima at magbabanta na ipakukulong ito.

Upang hindi naman maipakulong, papayag ang biktima sa kondisyon ng buyer na isauli kahit man lamang kalahati ng ibinayad na pera ng buyer, ngunit lingid sa kaalaman nito, ay magkasabwat pala ang buyer at supplier.

Sa isa pa aniyang modus, ang biktima naman ang mag-aabono muna ng down payment ng face mask ngunit hindi naman sisipot ang supplier at tangay na ang pera niya.

Nabatid na tukoy na rin naman ng Department of Trade and Industry (DTI) ang naturang scam kaya’t hinihikayat nito ang publiko na tangkilikin lamang ang mga online shops na lehitimo at rehistrado sa mga ahensiya ng pamahalaan, gaya ng Securities and Exchange Commission (SEC).

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with