House-to-house na pagbabakuna, umarangkada na sa Makati City

Sinimulan na ng Makati City Health Department ang kanilang house-to-house na pagbabakuna ng flu at pneumonia sa ang mga senior citizen sa lungsod.
Edd Gumban

MAKATI, Philippines — Upang madagdagan ang proteksyon at mapalakas ang resistensiya ng Makatizens, sinimulan na kahapon ng Makati Local Government Unit (LGU) ang house-to-house na pagbabakuna sa nasasakupang 33 barangay o mahigit 500,000 indibiduwal.

Alas-8:00 ng umaga kahapon ng ilunsad ng Makati Health Department (MHD) ang community vaccination drive sa Brgy. Pembo.

Ayon sa MHD, libreng makatatanggap ng trivalent flu shots  na may tatlong strains o ang influenza A (H1N1), Influenza A (H3N2) at In­fluenza B ang mga residente.

Kasunod nito ang pagbibigay pa ng pneumococcal vaccines para iwas pneumonia na kabilang din sa kumplikasyon na dulot pagkakaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Una nang nabigyan ng flu vaccines ang frontliners at essential workers .

Nabatid na patuloy pa rin sa pagbabakuna ng nasa 9,706 na empleyado ng Makati City Hall ang lokal na gobyerno kung saan inuna na ang mga doktor, nars at iba pang healthcare workers.

Show comments