Satellite contact tracing offices binuksan sa Quezon City

Ang bagong bukas na satellite contact tracing offices ay matatagpuan sa Districts 3 at 6 para mabilis na mamonitor ang mga suspected, probable at confirmed COVID- 19 cases sa mga barangay dito.
The STAR/Walter Bollozos, file

QUEZON CITY,  Philippines — Binuksan na ng Quezon City government  ang  satellite contact tracing offices  sa lungsod  at nagdagdag ng teams para mapalakas ang contact tracing efforts sa layuning maiwasan ang pagkalat ng COVID- 19  sa  bawat komunidad.

Ang bagong bukas na satellite contact tracing offices ay matatagpuan sa  Districts 3 at 6  para mabilis na mamonitor ang mga suspected, probable at confirmed COVID- 19 cases  sa mga barangay dito.

May apat pang satellite offices ang takdang buksan ng lokal na pamahalaan sa Districts 1,2,4 at 5  sa mga darating na linggo.

Bumuo rin si QC Mayor Joy Belmonte ng 90 teams ng mga  field at phone contact tracers kasama dito ang  300 barangay contact tracers at 30 personnel mula sa  Philippine National Police (PNP).

Sa ngayon ang lungsod ay may 600 contact tracers.

“Our goal is to stop the virus right in its track. We continuously modify and improve our strategies to make sure we slow the virus transmission within the city,”  pahayag ni Mayor  Belmonte.

Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Rolando Cruz, head of the City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), na mahalaga na magkaroon ng  identifying infection routes na pupunta sa mga komunidad para mabigyan ng agarang lunas ang mga infected ng virus.

Sinabi ni Cruz na ang pinalakas na community surveillance ay makakatulong ng malaki para  mabilis na malaman ang clustering cases at mga lugar na isasailalim sa lockdowns sa ibat-ibang lugar.

Show comments