Scammers, fake contact tracers tugisin – DILG
MANILA, Philippines — Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) at ang Philippine National Police (PNP) na maging mas vigilante o mapagbantay at tugisin ang mga scammers at pekeng contact tracers.
Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) at ang Philippine National Police (PNP) na maging mas vigilante o mapagbantay at tugisin ang mga scammers at pekeng contact tracers.
“Isa pang virus na kailangan pag-ingatan ng mga tao ang mga scammer na ito na sumasabay pa at nakukuhang manamantala ng kapwa ngayong krisis at ito ngang sa DOH ang pinaka-recent. I urge all LGUs and our men and women of the PNP immediately investigate these criminal activities,” pahayag pa ni Año. “Hindi na kayo (scammers) naawa sa mga kababayang nating niloloko ninyo,” pahayag ni Ano.
Anang kalihim, ang mga kaso ng pangingikil at scam ay unti-unting dumarami dahil na rin sa paglutang ng mga nabibiktima ng mga ito.
Dahil dito, dapat aniyang maging aware ang publiko at huwag magpaloko sa mga naturang scammers.
Naglabas na rin naman ang advisory ang DOH hinggil dito at binalaan ang publiko laban sa mga indibiduwal na nagpapanggap na miyembro ng DOH Contact Tracing Team. Hinihingi umano ng mga naturang con artists ang personal na impormasyon ng kanilang biktima at saka manghihingi ng pera.
- Latest