^

Metro

Istilo ni Mayor Joy sa localized lockdown, gagayahin ng NTF vs COVID-19

Jose Rodel Clapano - Pilipino Star Ngayon
Istilo ni Mayor Joy sa localized lockdown, gagayahin ng NTF vs COVID-19
Ito ang inihayag ka­hapon ni NTF vs COVID-19, chief implementer Carlito Galvez Jr.kasabay nang pagsasabing ang ipinatupad na localized lockdown ni Mayor Joy ay lubhang naging epektibo at ito ay isasama nila sa kanilang second phase national action plan (NAP).
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Gagayahin ng National Task Force (NTF) vs COVID-19 ang istilo o pamamaraan sa localized lockdown na ipinatupad ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ito ang inihayag ka­hapon ni NTF vs COVID-19, chief implementer Carlito Galvez Jr.kasabay nang pagsasabing ang ipinatupad na localized lockdown ni Mayor Joy ay lubhang naging epektibo at ito ay isasama nila sa kanilang second phase national action plan (NAP).  

“What we will do in the second phase is we will shift the role to the LGUS just like what Ma-yor Joy Belmonte is doing localized lockdown,” dagdag pa ni Galvez.

Nauna nang nagsagawa ng mga klasipikasyon sa kalagayan ng mga barangay sa lungsod kaugnay sa bilang ng may kaso ng COVID.

Magugunitang inilagay ni Belmonte sa pamamagitan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council sa ilalim ng extreme lockdown at extreme enhanced quaran­tine ang mga barangay na natukoy na  “hot zone.”

Ipinaliwanag ni Myke Marasigan, head of Quezon City Disaster Risk Reduction na ang “hot zone ay tumutukoy sa mga lugar na may mataas na kumpirmadong kaso ng COVID, samantalang ang  “warm zone” o lugar na sakop ng 500-meter radius buhat sa bahay ng may kaso ng COVID ay isinailalim sa mahigpit na  monitoring at surveillance.

Una nang isinailalim ni Mayor Belmonte sa extreme lockdown ang Brgys. Tandang Sora, Kalusugan, Matandang Balara at Payatas dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with