Ex-Manila Mayor Alfredo Lim, nakikipaglaban sa COVID-19

MANILA, Philippines — Nakaratay ngayon si dating Manila Mayor Alfredo Lim sa isang pagamutan sa lungsod ng Maynila makaraang dapuan din ng coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ni Ric de Guzman, chief of staff ng dating alkalde ng Maynila makaraang unang kumalat sa social media ang impormasyon na kritikal ang kalagayan o nasawi na si Lim.

“Mayor Lim is very much alive although he is confined in a hospital now.  In fact, he’s making good progress as of this statement. I hope this puts to rest all misinformation that he had passed away,” ayon pa kay De Guzman.

Nakiusap rin siya na itigil ang pagpapalabas ng mga spekulasyon ukol sa kalagayan ni Lim at bigyan ng privacy ang pamilya ng dating alkalde.

“Plase give us some moments of privacy as we focus on Mayor Lim’s swift recovery from his current illness.  We thank all those who have expressed concern and offered prayers for him and us during these trying times,” ang panawagan umano ng pamilya ni Lim ayon kay De Guzman.

 

Show comments