P80 milyong puslit na sigarilyo, face masks nasabat
Nadiskubre ang nasa 1,000 master cases ng ibat-ibang sigarilyo at nasa 648 kahon ng N95 face masks na kinopya ang logo at disenyo sa mga sikat na fashion brands.
Philstar.com/Irish Lising, file
P80 milyong puslit na sigarilyo, face masks nasabat
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa P80 milyong halaga ng mga sigarilyo at face masks na ilegal na ipinasok sa bansa ang nasabat ng Bureau of Customs sa ginawang pagsalakay sa isang bodega sa Bulacan nitong nakaraang Miyerkules.

Nabatid na sinalakay ng mga tauhan ng Enforcement and Security Services Quick Reaction Team (ESS-QRT) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang bodega sa may Brgy. Sta. Rosa, Marilao sa naturang probinsya sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na inilabas ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Dito nadiskubre ang nasa 1,000 master cases ng ibat-ibang sigarilyo at nasa 648 kahon ng N95 face masks na kinopya ang logo at disenyo sa mga sikat na fashion brands.

Sinabi ni Guerrero na tinatayang aabot sa P80 milyon ang kabuuang halaga ng kontrabando na nasa pangangalaga na ng ESS Security Coral sa Port of Manila para isailalim sa dagdag na imbentaryo at imbestigasyon.

Ayon sa BOC, parte pa rin ang operasyon sa pagprotekta sa mga konsyumer na Pilipino sa panganib dulot ng mga pekeng produkto para sa kalusugan ngayong panahon ng pandemya at paghahabol sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis sa mga produktong ipinapasok sa bansa.

CIGARETTES FACEMASK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with