^

Metro

PLM 2-linggong quarantine

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
PLM 2-linggong quarantine
Pansamantalang ipatutupad ang ‘work-from-home scheme’ sa mga tauhan ng paaralan mula Agosto 3 hanggang Agosto 17 kung saan magsasagawa ng ‘decontamination’ at ‘disinfection’ sa unibersidad.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isinailalim ni Manila City Mayor Isko Moreno sa 14-araw na qua­rantine ang buong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) makaraan ang dumaraming empleyado nila na tinatamaan ng  COVID-19.

Ito ay makaraang iulat ni PLM President Emmanuel Leyco ang apat na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang mga tauhan kung saan dalawa ang nakarekober habang isa na ang nasawi.  May tatlo ring empleyado ang probable at isa ang suspected na nagtataglay ng virus.

Pansamantalang ipatutupad ang ‘work-from-home scheme’ sa mga tauhan ng paaralan mula Agosto 3 hanggang Agosto 17 kung saan magsasagawa ng ‘decontamination’ at ‘disinfection’ sa unibersidad.

Tanging mga em­pleyado na hindi kayang iuwi ang kanilang trabaho tulad ng mga IT experts, security staff at mga sangkot sa disinfection ang tanging mga papayagan sa loob ng campus.  Lahat naman ng transaksyon sa pamantasan ay gagawin  online sa naturang panahon

Sinabi naman ni Moreno na wala pa namang naitatala na ‘community transmission’ sa loob ng pamantasan at maaaring nakuha ng mga em­pleyado ang virus sa ibang lugar.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with