Taas presyo sa petrolyo, ipinatupad
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - July 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling magpapatupad ng taas presyo sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng la­ngis ngayong araw na ito.

Ang Shell, Petron, Sea Oil ay may dag­dag na presyong P0.25 sa kada litro ng diesel, P0.30 sa kada litro ng gasolina at P0.30 din sa kada litro ng kerosene, pagsapit ng  alas-6:00 ng umaga.

Samantalang ang Chevron Philippines Inc.(Caltex) ay agad na magpapatupad ng dagdag singil na gaya ng mga naunang kompanya pagtuntong pa lang ng alas-12:01 ng hatinggabi.

Gayundin ang iba pang oil player na Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines, Petro Gazz, na alas- 6:00 ng umaga ay epektibo rin ang dagdag presyo sa kanilang diesel na  P0.25 bawat litro  at gasolina na P0.30 bawat litro.

Ang pagtaas ng ­presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod umano sa pagtaas ng presyo ng sangkap na Ethanol.

 

OIL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with