Mosyon ni Maria Ressa, ibinasura ng korte

“WHEREFORE, in view of the foregoing the Motion for Partial Reconsideration filed by Accused Reynaldo Santos, Jr. and Maria Angelita Ressa is DENIED for Lack of merit,” saad ng 3-pahinang kautusan ni Manila Regional Trial Court (RTC), Branch 46 Presiding Judge Rainelda H. Estacio-Montesa na may petsang July 24, 2020.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ibinasura ng korte ang inihaing motion for partial reconsideration nina Maria Ressa at Reynaldo Santos Jr., na humihiling na isantabi o ipawalang-saysay ang naging desisyon noong Hun­yo 15, 2020 at maglabas ng bagong judgement na mapawalang-sala sila sa kasong paglabag sa Republic Act 10175 (Cybercrime) at isantabi na rin ang iginawad na danyos para sa complai­nant na si Wilfredo Keng.

Ayon sa korte, matapos pag-aralan ang mosyon ng mga akusado at sa rekord ng kaso, napagpasiyahan na ibasura ito dahil sa kakulangan ng merito.

“WHEREFORE, in view of the foregoing the Motion for Partial Reconsideration filed by Accused Reynaldo Santos, Jr. and Maria Angelita Ressa is DENIED for Lack of merit,” saad ng 3-pahinang kautusan ni Manila Regional Trial Court (RTC), Branch 46 Presiding Judge Rainelda H. Estacio-Montesa na may petsang July 24, 2020.

Ilang argumento ang iginiit ng mga akusado, subalit ayon sa korte  walang nakitang  ‘compelling reason’ para baligtarin ang desisyon na may petsang June 15, 2020.

Wala ring bagong argumento ibinigay ang kampo ng mga akusado sa isyu ng “Republication;

Sa ibang sinasabing assignment of errors , pag-uusapan pa upang maliwanagan ang usaping binanggit hinggil sa “Strict Scrutiny Review Finds no Application in this case.”

Show comments