Lockdown sa NAIA, âdi kailangan- Monreal
Ayon kay Ed Monreal, ang pamunuan ng MIAA ay gu­magawa ng mga kaukulang hakbang para matiyak ang kaligtasan sa kalusugan ng lahat ng airport personnels matapos magpositibo ang 32 empleyado sa COVID disease.
Philstar.com/AJ Bolando, file
Lockdown sa NAIA, ‘di kailangan- Monreal
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Manila International Airport Authority(MIAA) general manager Ed Monreal na hindi na kailangan pang isara o i-lockdown ang mga terminals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil may mahalagang papel aniya ito para sa makabuluhang pangangailangan ng aviation sa bansa.

Ayon kay Monreal, ang pamunuan ng MIAA ay gu­magawa ng mga kaukulang hakbang para matiyak ang kaligtasan sa kalusugan ng lahat ng airport personnels matapos magpositibo ang 32 empleyado sa COVID disease.

Magkakaroon ng mala­king problema oras na isara o i-lockdown natin ang paliparan dahil napaka-importante ng NAIA para sa pangangailangan ng aviation.

Ang MIAA, ay may mandato na magbalangkas at magpatibay ng mga katanggap-tanggap na pamantayan ng akomodasyon sa paliparan at mag-taas ng antas at magbigay ng ligtas, mahusay, at maaasahang mga pasilidad para sa pang-internasyonal at domestic flights.

Sabi ni Monreal, may sinusunod na pamantayan ang kanilang tanggapan alinsunod sa mga regulasyon at alintuntunin ng DOH na kung mayroon man empleyado na nagpositibo sa COVID disease ang opisina niya ay isasara ng tatlong araw.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with