Magulang kakasuhan kapag nahuling pakalat-kalat ang anak sa Maynila
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binalaan ni Manila Ma­yor Isko Moreno ang mga magulang sa lungsod na siyang mananagot kapag ang kanilang mga anak ay nahuli sa  paglabag sa  curfew at hindi pagsusuot ng face mask.

Ang babala ay ginawa ni Moreno  makaraan ang napakaraming menor-de-edad na nahuli dahil sa mga paglabag sa quarantine protocols.

“Let’s start jailing irresponsible parents. I don’t mind kung mapuno ang ating mga kulungan ng mga pabayang magulang dahil sa paglabag sa Ordinance No. 8243 (Anti-Child Endangerment Ordinance of the City Manila). Hard time requires hard decision para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19,” ayon kay Moreno.

Sa datos ng MPD nitong Hulyo 13, nasa 1.039 na ang kanilang nahuli na lumabag sa Ordinance No. 8644 (Mandatory Use of Face Mask in Public).  Umabot naman sa 9,367 ang nadakip dahil sa paglabag sa Ordinance No. 8547 (curfew).

Sinabi ng alkalde na karamihan sa mga nadakip ay pawang mga menor-de-edad na pagala-gala sa mga kalsada.

Umaabot naman sa 1,028 ang nailigtas na palaboy ng MDSW na ka­ramihan din ay mga bata.  Idinagdag pa ng alkalde na marami sa kanila ay mga pinabayaan na ng mga magulang at ilan ay positibo sa COVID-19 makaraang isailalim sa swab testing.

“Kaya ang utos ko ngayong umaga kina MPD BGen. Rolly Miranda at MDSW director Re Fugoso simulan na ang pag-file ng kaso laban sa mga paba­yang magulang,” ayon kay Moreno.

MAYNILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with