^

Metro

70-anyos lola, 1 pa huli sa drug-bust

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog ng mga ta­uhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 70-anyos na lola at isa niyang kasabwat sa ikinasang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga   suspek na sina Estrella Gay, alyas Lola Ester, balo, at kasabwat na si Jerico Vicente, 37, miyembro ng ‘Bahala na Gang’.

Sa ulat ng Sta. Cruz Police Station 3, dakong alas-11:20 ng gabi nang magkasa ng operasyon ang kanilang Drug Enforcement Group  sa may kanto ng Dimasalang Street at Lacson Avenue sa Brgy. 343.  Nagawang makabili ng iligal na droga ng poseur buyer ng pulisya sa dalawang suspek dahilan para arestuhin sila ng mga nakaantabay na mga pulis nang ibigay ang senyales sa kanila.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 35 gramo ng shabu na may street value na P238,000.  Nakuha rin sa posesyon ni Vicente ang P500 buy bust money, isang kalibre .22 revolver na baril na may limang bala at isang coin purse.

Nakaditine ngayon ang dalawa sa Sta. Cruz Police Detention Cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang dagdag na kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang idinagdag na kaso kay Vicente.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with