^

Metro

308 construction workers sa BGC, nagpositibo sa COVID

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
308 construction workers sa BGC, nagpositibo sa COVID
Ayon sa ipinalabas na statement ng Taguig LGU, ang 308 ay bahagi ng kabuu­ang 741 empleyado ng isang construction site, bagama’t nasa 691 lamang ang isinalang sa swab tests o RT-PCR (real time-polymerase chain reaction).
STAR/File

MANILA, Philippines  — Umabot  na sa 308 na manggagawa ng isang construction site sa Bonifacio Global City na una nang ipina-lockdown ang tinamaan na rin ng coronavirus disease (COVID-19) matapos maisailalim sa swab testing ang 691 na kawani nito, ayon sa lokal na pamahalaan ng Taguig.

Ayon sa ipinalabas na statement ng Taguig LGU, ang 308 ay bahagi ng kabuu­ang 741 empleyado ng isang construction site, bagama’t nasa 691 lamang ang isinalang sa swab tests o RT-PCR (real time-polymerase chain reaction).

Matatandaang noong Hunyo 23, 2020 nang ipag-utos ng Taguig Gov’t. sa rekomendasyon ng Safe City Task Force, ang lockdown sa di binanggit na developer ng nasabing  construction site na nagtapos na noong Martes (Hulyo 7) matapos magpositibo ang 6 na construction worker.

Ang bilang ng mga nagpositibo sa construction site at ang mga naitala rin sa barangay Lower Bicutan Taguig na kasalukuyang pang naka-lockdown hanggang Hulyo 15, ang dahilan ng pagtaas ng total confirmed COVID-19 cases sa nasabing lungsod.

Sa Brgy. Lower Bicutan, nasa  111 ang nagpositibo sa 2,104 na residente na sumailalim sa swab testing.

Pawang naka-isolate naman ang mga manggagawa ng construction site sa BGC at mga residente ng Brgy. Lower Bicutan na mahigpit na iminomonitor.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with