Biyahe ng MRT-3 bus augmentation program, inagahan
Alinsunod sa kautusan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, mula sa dating alas-5:30 ng umaga ay ginawa nang 4:00AM ang simula nang pag-dispatch ng mga bus para mas maagang maihatid ang kanilang mga pasahero sa destinasyon ng mga ito.
Geremy Pintolo, file
Biyahe ng MRT-3 bus augmentation program, inagahan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Bilang tugon sa hiling ng mga pasaherong apektado ng pansamantalang shutdown ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), pinaaga na ng Department of Transportation (DOTr) ang pag-dispatch ng MRT-3 Bus Augmentation Program simula kahapon.

Alinsunod sa kautusan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, mula sa dating alas-5:30 ng umaga ay ginawa nang 4:00AM ang simula nang pag-dispatch ng mga bus para mas maagang maihatid ang kanilang mga pasahero sa destinasyon ng mga ito.

“Alinsunod po sa direkti-ba ni Secretary Tugade, ki­nausap po natin ‘yung bus company at nakuha po natin ang kanilang commitment na mag-start ng bus dispatching ng alas-kwatro ng madaling araw simula kahapon. Para sa mga commuter ito. Para sa bayan,” ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati.

Aniya, layunin din nitong mapaikli ang pila ng mga commuter sa mga designa-ted stations, lalo na habang rush hour sa umaga.

Mahigpit din ang habilin ni Tugade sa MRT-3 na si-guraduhing maipatutupad ang 3-minute regular dispatch system ng mga bus sa ilalim ng programa.

Matatandaang una nang nagpatupad ng temporary shutdown ang MRT-3 mula Hulyo 7 hanggang Hulyo 11 matapos na makapagtala ng pagdami ng mga personnel nilang dinapuan ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa pinakahuling ulat, nabatid na umabot na sa 203 ang bilang ng MRT-3 personnels na nagpositibo sa virus.

DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with