^

Metro

P209 milyong supplemental budget laan ng Quezon City sa new normal college learning

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P209 milyong supplemental budget laan ng Quezon City sa new normal college learning
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte na siya ring Chairperson ng University’s board of Regents, bukod sa paglalaan ng modules at tablets para sa public-school students ay kailangan ding bigyan ng kaukulang ayuda ang mga college students ng QC para sa new normal learning.
AFP/Ted Aljibe

QUEZON CITY, Philippines — Inaprubahan ng Quezon City Board of  Regents ang paglalaan ng P209 milyong budget para sa learning con­­ti n­uity plan  para sa school year 2020-2021 ng mga mag- aaral sa QC University College na magsisimula ang pasukan sa Setyembre ngayong taon.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte na siya ring  Chairperson ng  University’s board of Regents,  bukod sa paglalaan ng  modules at tablets para sa public-school students ay kailangan ding bigyan ng kaukulang ayuda ang mga  college students ng QC para sa  new normal learning.

Idinagdag pa nito na ang pamantasan ay naghahanda na para sa  transition ng  flexible learning kasama na ang offline, online at blended learning.

Isa anya sa pangunahing programa hinggil dito ay ang  QCU Laptop Loan Program upang ang mga mag-aaral at mga guro na may limitadong access sa learning devices ay gagawing beneficiaries  ng mga laptop na gagamitin nila habang nasa unibersidad.

kaugnay nito, sinabi ni  QCU Officer-in-charge Dr. Victor Endriga na patuloy silang magpapatupad ng  offline classes para sa  technical at practical learning pero babawasan ang class size sa  15 hanggang 20  mag-aaral lamang para matiyak ang  safety protocols sa lugar.

Anya ang pondo ay laan sa pagbili ng dagdag na medical supplies at equipment,  learning management systems para sa  virtual learning, internet connectivity para sa mga mag- aaral at guro, computer software para sa lahat ng  degree programs at online reference materials, development ng  academic management systems para sa online processing  ng enrollment at iba pa.

vuukle comment

QC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with