^

Metro

Ginang nahulihan ng P3.4 milyong shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ginang nahulihan ng P3.4 milyong shabu
Sa inisyal na ulat, dakong ala 1:19 ng hapon nang makipagkita ang suspek sa poseur-buyer ng PDEA sa parking lot ng Sunshine Mall Plaza, sa Western Bicutan, Taguig City, kung saan siya inaresto at nasamsam ang 500 gramo ng shabu sa magkakahiwalay na 8 plastic sachets na isinilid sa isang paper bag.
Philstar.com/John Unson, File photo

MANILA, Philippines ? Isang 45-anyos na ginang ang arestado sa pagbebenta ng kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa mga ope­ratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Taguig City, kahapon ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Saida Kadilon y Sandigan, walang trabaho at residente ng Barangay Maharlika, Taguig City.

Sa inisyal na ulat, dakong ala 1:19 ng hapon nang makipagkita ang suspek sa poseur-buyer ng PDEA sa parking lot ng Sunshine Mall Plaza, sa Western Bicutan, Taguig City, kung saan siya inaresto at nasamsam ang 500 gramo ng shabu sa magkakahiwalay na 8 plastic sachets na isinilid sa isang paper bag.

Ang operasyon ay pinangunahan ng pinagsanib na puwersa ng PDEA 4-A, PDEA Special Enforcement Service, PDEA NCR, at PDEA Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pakikipagtulungan ng Taguig City Police Station.

Dahilan ng suspek, hindi niya kilala ang nagpapabenta sa kaniya ng iligal na droga at napilitan siyang pasukin ang pagbebenta dahil sa pagkakabaon sa utang niya sa ‘5-6’ sa Bumbay.

Isasailalim ang suspek sa inquest proceedings sa Taguig Prosecutor’s Office sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with