Bar sa Caloocan sinalakay: Manager, 8 pa arestado
Lumabag sa physical distancing protocol
MANILA, Philippines — Nagulantang ang mga tao sa isang bar sa Caloocan City nang salakayin ito ng mga tauhan ng PNP – CIDG kung saan siyam katao ang inaresto dahil sa pagsusugal at paglabag sa physical distancing protocol.
Kabilang sa mga dinakip ay sina Maricel Elijedo, bar manager ng Queencel Restobar and Grill sa Barangay 106; Christopher Ramos, Vicson Lamadrid, Reinerio Kuizon, Arman Mariano, Delfin Pasia, Arnold Palicpic, Mario Ramos at Paulino Aler, isang dating barangay kagawad.
Ayon sa PNP-CIDG, sangkot sa pustahan sa bilyar ang mga nahuli na nasa loob ng restobar.
Sinabi ng PNP CIDG na marami na silang rekla-mong natatanggap hinggil sa pag-uumpukan at paglabag sa health and safety protocols ng mga naaresto.
Hindi pa naman aniya pinapayagan ang pagbubukas ng mga restobar sa Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine.
- Latest