Biyahe ng MRT-3, mababawasan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 3, 2020 - 12:00am

127 depot workers nagpositibo sa COVID

MANILA, Philippines — Magbabawas ang pamunuan ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) ng ide-deploy nilang mga tren simula sa Lunes, Hulyo 6, matapos na madagdagan pa ang kanilang depot workers na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, hanggang nitong Hunyo 30, nakapagtala na ang MRT-3 ng 127 COVID-19 infections matapos suriin laban sa virus ang may 1,700 na depot personnel.

Sa naturang bilang, 124 ang depot personnel ng maintenance provider ng MRT-3, na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries, habang tatlo naman ang railway workers ng MRT-3.

Ani Batan, sa ngayon ay mayroong 16 hanggang 19 na tren na bumibiyahe ang MRT-3 ngunit posible aniyang simula sa Lunes ay gawin na lang 10 hanggang 12 tren lamang ang ide-deploy.

Paglilinaw naman ni Batan, hindi pa ito pinal dahil tinitingnan pa ng Sumitomo kung ilan ang magiging pinal na bilang ng kanilang mga manggagawa sa depot.

Kaugnay nito, tiniyak rin naman ng opisyal na magdadagdag sila ng augmentation buses upang mapunuan ang pagbabawas ng mga tren.

Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng MRT-3 sa publiko na ang lahat ng kanilang mga station staff ay nananatili pa ring virus-free.

Paglilinaw pa ni MRT-3 director for ­operations Michael Capati, hindi maaapektuhan ng pagbabawas ng biyahe ang kanilang train schedule.

DOTR MRT3
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with