^

Metro

Negosyo sa Maynila mas yumabong kahit may pandemya

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Negosyo sa Maynila mas yumabong kahit may pandemya
Sa kabila nito, sinabi ni Mayor Isko Moreno na handa ang Maynila makaraang lumago pa ang kita ng lungsod sa P12.441 bilyon mula Hulyo 2019 hanggang Mayo 2020 sa kabila ng implementasyon ng tax amnesty. 
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki kahapon ni Manila City Mayor Isko Moreno sa kaniyang State of the City Address (SOCA) ang patuloy na pagiging matatag ng lungsod  ngunit nagbabala na mararamdaman ang epekto ng tatlong buwang lockdown sa ekonomiya sa mga darating pang buwan.

Sa kabila nito, sinabi ni Moreno na handa ang Maynila makaraang lumago pa ang kita ng lungsod sa P12.441 bilyon mula Hulyo 2019 hanggang Mayo 2020 sa kabila ng implementasyon ng tax amnesty. 

Mas marami rin umanong negosyo ang nagbukas sa lungsod kahit na may pandemya nang 8,665 bagong negosyo ang nagpare­histro at nasa 51,022 ang nag-renew ng kanilang mga permits.

Ipinagmalaki rin ng alkalde ang kampanya niya sa kalinisan upang hindi na sabihan na “dugyot” ang Maynila. Umaabot umano sa 217 kilometro na ang haba ng kalsada ang dinaanan ng kanilang ‘flushing operations’ sa loob ng 311 araw.

Umaabot naman sa 566,904 tonelada ng basura ang nahakot ng Department of Public Service (DPS) na may katumbas na 112,981 trak. Nasa 1,119 tonelada ang nahakot buhat sa Manila Bay.

Dahil dito, patuloy na nanawagan si Domagoso sa mga Manilenyo ng ibayong disiplina at tigilan na ang pagtatapon ng mga basura sa dagat, ilog at mga estero.

Sa kriminalidad, nasa 898 wanted persons ang nadakip ng Manila Police District. Nasa 173 sa kanila ay mga Most Wanted at 25 ang nadakip ng pulisya habang nasa lockdown ang Maynila.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with