Ayon sa Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Drivers Nationwide (PISTON), kailangang maobliga ang gobyerno na harapin ang usapin ng mass testing, contact tracing at epektibong paggamot sa mga positibo sa COVID-19 sa kanilang hanay upang solusyunan ang pandemya.
Walter Bollozos, file
Mass testing bago pasada sa mga driver, giit
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iginiit sa pamahalaan ng transport group na isailalim muna sa mass testing ang mga driver bago payagan ang mga itong magbalik-pasada .

Ayon sa Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Drivers Nationwide (PISTON), kailangang maobliga ang gobyerno na harapin ang usapin ng mass testing, contact tracing at epektibong paggamot sa mga positibo sa COVID-19 sa kanilang hanay upang solusyunan ang pandemya.

Sinabi ni Mody Floranda ng Piston, dapat matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga driver na makikipagsapalaran sa kalsada para sa kanilang hanapbuhay at para na rin sa kaligtasan ng mga commuters na gagamit ng public utility vehicles.

Inihalimbawa dito ni Floranda ang naarestong Piston 6 sa Caloocan na nalagay sa peligro dahil sa pagsisiksikan sa kulungan at dalawa sa mga ito ay nagpositibo sa COVID-19.

Anya hindi dapat manggaling sa bulsa ng taumbayan ang pagsalo sa testing at pagpapagamot ng mga infected dahil mayroon namang bilyong pondo dito ang gobyerno para malunasan ang virus.

Ngayong Biyernes, iaapela ng grupo sa Korte Suprema para hingin ang pag-obliga sa pamahalaan na isailalim sa mass testing ang mga driver bago sumabak sa balik-pasada.

COVID-19 MASS TESTING PISTON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with